Sumakay kami sa mga rides - Cable Car (San Jose version), Octopus, at Roller Coaster. Last ride namin ung roller coaster. After nun, I checked my pocket and I noticed na wala dun ung cellphone ko. So sinabi ko agad kila Mama and Tita na nawawala ung phone ko. We checked the roller coaster ride, dun sa inupuan ko, kung andun ung phone ko. Pero WALA! Pinatigil namin ung ride just to checked the railings and the field kung san nakatanim ung roller coaster. Inikot namin the whole thing pero WALA talaga kaming nakita. Then we went to the Octopus ride para tanungin, WALA din daw. And finally sa Cable care, and un wala rin. We're all hopeless and stressed out na sa nangyari. What we do is, we just keep on calling and calling my phone hoping the person who got it will answer the call. Almost 20 times, we tried pero walang sumasagot. Di siguro alam nung nakakuha kung paano sagutin. It has lock code kasi kaya mahirap masagot ung phone. Pero we keep on doing it until napagod na talaga kami and umuwi na. WALA! Ganon na talaga eh. Mama and I went home gloomy. Sige sa kanila na ang phone and stuffs pero akin na ang sim card. Syempre all my contacts were there at isa pa naka-line ung sim card ko, baka gamitin pa at ipantawag nang ipantawag. Well malaking hassle talaga ang nangyari. We all went there excited and very happy tapos tatapusin lang ng kabadtripan. Di ba nakakainis un! Nawala ka na sa mood, napagod ka na, tapos nawalan ka pa ng telepono. PUCHA!
When we arrived at home, tinawagan ko ulit ung phone ko at nag-riring pa siya. Mga after 5 seconds, sinagot ung call ko. (LANDLINE GAMIT KO) Tapos "Hello" lang ako ng "Hello". Ayaw niya sumagot, tapos parang may nag-uusap pa. At naririnig ko pa ung mga rides na umaandar, meaning nasa PERYA pa ung nakakuha ng phone ko. Then I gave the phone to Mama para siya ang makipag-usap. Ayaw pa rin nung tao kausapin kami. They hung up the phone at kami salita lang ng salita. Tapos si Papa naman pinakausap namin. AYAW pa rin. Then sabi ni Mama tumawag daw ng pulis. Okay sige.
Bumalik kami sa PERYA, kasama ko si Papa. At ito na un. . .
First, pumunta kami sa Octopus ride ni Papa. Hindi na umaandar ung ride. Mga 11:45PM na rin kasi un eh. Baka konti na ung tao. Nag-uusap ung mga tao na bantay dun sa Octopus, tapos nung nakita nila ako parang may GULAT sa mga muka nila. Mukang di nila ako ine-expect na babalik sa ulit ako sa kanila. I asked them again kung may nakita na sila na cellphone. (KASAMA KO SI PAPA) Siguro they're not expecting na magsasama ako ng iba. Eh malaki pa katawan ni Papa. Inakala siguro nila na PULIS si Papa. (MALAKI TYAN EH :p) Tapos bigla nilang itinuro ung bahay sa likod ng Roller Coaster ride. At doon daw kami magtanong. Pinuntahan naman namin, sinamahan pa nga kami nung lalaki na pinagtanungan namin eh. Isang buong pamilya ang nakatira sa bahay. Tapos dun sa naka-usap namin, matandang lalaki (SIYA ATA ANG LOLO), sa kanya kami nagtanong. Tapos nun, ipinakita niya ung phone. At BOOM! Un na nga ang cellphone ko. Puta! Ang saya saya ko nung nakita ko ung telepono ko. Bulok na to, OO, pero importante naman mga laman kasi nito. Mas importante pa to sa buhay ng mga pusang pinapakain dito sa compound namin. Mahal ko kaya to! Grabe! Alam mo ung feeling na pwede mo na ituloy ang pag-HINGA mo nang malalim? Tapos pwede ka magmura ng "Tang ina! Ang saya ko. Gago!" At pwede mo na sabihing, "Sa wakas, makakatulog din ako ngayong gabi. At gigising nang nakangiti dahil sa nangyari." Grabe ang nangyaring to. Walang tatalo.
The leather case of my phone was forced to removed by the Manong. Pinag-interesan pa, eh mas bago pa ata cellphone ng anak mo kesa sa akin. Di ka na nahiya sa mga anak mo, nakatingin pa sila nung kinuha ko ung cellphone ko sayo. Maniwala ka na lang dito ..|.. Karma dude!
04-30-2011