Tuesday, May 29, 2012

Wag mo akong i-pressure please!!!

So, what's next for me? 

Ang dami kong gustong gawin. Gusto ko mag-trabaho, gusto ko mag-aral ng culinary, gusto ko mag-workout palagi, gusto ko lang magpahinga muna, gusto ko mag-aral mag-swimming, gusto ko mag-tennis, gusto ko mag-boxing, gusto ko mag-muay thai, gusto ko kumain nang kumain, gusto kong matulog hanggang hapon palagi, gusto kong tumakbo sa Kennon Road papuntang Baguio, gusto kong pumunta sa America, gusto kong magpunta ng Europe, gusto kong makita si Roger Federer at Maria Sharapova, gusto kong umalis ng bahay, gusto kong mag-isa, gusto ko lumayo sa mga magulang ko, gusto kong maging independent, gusto kong mag-drive mula Luzon hanggang Mindanao. 


Simple lang naman ang gusto ko eh, ung simpleng buhay

Ayoko ng may mga taong mag-control sa mga gagawin at pagdedesisyunan kong bagay. Ayoko ng may mangialam pa sa buhay ko. Buhay ko to! Ako ang bahala dito. 

Kung gusto ko mag-trabaho na, magta-trabaho naman ako eh. Hindi lang siguro muna ngayon pero malay mo bukas gusto ko na. Ako na gagawa ng paraan para makakuha ng work. Di niyo ako kailangan i-pressure sa buhay ko na kesyo baka tamarin ako mag-work. Baka di na ako mag-work. O kung anu-ano pang mga 'baka' niyo sa akin. 

Alam ko ang ginagawa ko. Matanda na ako! Kaya ko na. Kayang-kaya ko na. Just give me time and chance para makaya ko, nang mag-isa. Please PAPA and MAMA! Wag niyo akong i-pressure sa buhay ko. I got this. This is my life now. Please! 

05-29-2012

No comments:

Post a Comment