March 17, 2012 (Saturday)
I was in my dorm, bothered.
Iniisip ko kung ano ung mangyayari mamaya. Although alam ko naman kung ano ung mga mangyayari sa story, of course I was the one who wrote it, pero iba pa rin ung mapapanood mo in front of T.V. at iba pa rin ung maraming makakapanood nung story mo. I mean, oo, hindi naman lahat nang makakapanood ng story eh makikilala ako pagkatapos, pero paano naman ung makakakilala sa akin at ung mga kakilala ko na?!
At first, I was hesitant in agreeing to air the story on TV. But then I realized na wala naman masama kung maipapalabas siya sa TV. At wala din naman masaya kung mapapanood siya ng maraming tao dahil wala naman akong katarantaduhang ginawa dun maliban sa katangang ma-inlove. So un, pumayag na ako.
I watched it with my cousins, Cheska and Vince. Mula simula hanggang matapos ung story, I was shaking. Literal na nanginginig ung kamay ko, ung katawan ko, ung ulo at paa ko. Ganon pala ung feeling na mapanood mo ung sarili mo sa TV. Although hindi ako in person ung gumanap sa story, iba pa rin ung kapag ikaw ung character sa story. Parang may kaba, may takot at may excitement na kasama. Pakiramdam ko natatae ako sa bawat scene ng story sa kaba.
Then after watching it, my mom called me. So funny coz we had the same reaction, before, while and after watching the story. Sabi nga niya, kinailangan niyang uminom para lang mabawasan ung stress na nararamdaman niya dahil hindi siya mapakali at maugaga sa kakaisip kung ano ung mga mangyayari sa story. Iniisip niya na baka daw may masama at pangit na mangyayari dun sa story. Hindi daw siya ready! And same with my dad, labas masok daw siya sa kwarto nila ni Mama (nagyoyosi break). At ako naman, I can't concentrate watching the story. Naba-black out ung utak ko. Ibang klase!
At lalo na nung sinabi ng pinsan ko na nag-trending daw sa Twitter Philippines ung MMK, at number 1 pa! Can you imagine that? Dun na ako na-pressure (na may konting saya din syempre).
I checked my Facebook and Twitter. Yes, I was expecting a lot of people, of course my friends who was able to watch the story, will congratulate me and I also expect that some might make fun out of me. Hahaha. Oo! Seryoso, ine-expect ko na tatawanan nila ako at tutuksuhin sa ginawa ko. But instead of laughing or teasing me (no one bothers), they all congratulated me for what I've done. At marami sa kanila, natuwa pa at nasiyahan sa story ko.
At ito ang bumungad sa'kin. "What the hell. Is this serious?" Yan ang unang sinabi ko sa sarili ko. Pucha! Di ko alam gagawin ko. Di ako sanay sa ganito dahil ako pa nga ang nag-aadd at nagfa-follow sa ibang mga friends ko eh. Kaya this is really overwhelming!
Inisip ko na lang, maraming na-curios sa akin kaya siguro pinag-aadd nila ako sa Facebook at sa Twitter. Pero how? Paano nila nalaman whole name ko? Di ko pa naman pinasabi ung surname ko sa story. Kaya I really wonder how'd they knew my whole name? La lang.
I lived with a simple life. Tahimik na buhay, simpleng tao. Pero sa totoo, natuwa ako dito. Sa mga friend and follow requests, sobrang nakaka-flatter. Mababaw lang naman ako eh. Sa simpleng bagay natutuwa na ako. Pero guys, walang nang mas hihigit pa sa mga nabasa kong sobrang ikinatuwa at ikinaproud ko:
WOW. JUST WOW!
And lastly, nung nakita ko ung rating nung araw na un, sabi ko sa sarili ko pwede na ako mamatay. It's like a dream come true! This really made me and my parents instant celebrities for a night.
After seeing this, I just stop and say, "TANG INA?! Seryoso ba to? Ayos ah."
And now I'm convinced, nagustuhan nga niyo ung story ko.
Thanks guys. I mean, thank you guys! This has been a good, perfect experience. Whew!
Justin
05-24-2012
No comments:
Post a Comment