Pinatunayan ko na naman na talagang hanggang salita lang ako. Bad! I did all my best naman to say it, pero why oh why, that I still can't do it. I am trying to change the topic pero nilalamon ako ng kaba ko at pilit umuurong dila ko. Damn it! This happened so many times na at talagang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Di na ako natuto. Ung feeling na kapag andyan na siya, kaharap ko na, pero di ko man lang masabi kung ano ung mga gusto ko talagang sabihin. Eh pota, anong gagawin ko. Di ko na talaga alam kung papaanong way ko sa kanya masasabing mahal ko siya. At ung word na "LIGAWAN" eh talagang nawawala sa vocabulary ko pag kaharap na siya. Di ko talaga alam kung bakit sa tuwing magkikita kami, talagang di ko masabi. Ung tipong bigas na ung lumalapit sa manok pero di pa matuka. Parang ako, andyan na siya sa harapan ko, pero di ko naman masabi kung ano talaga ang gusto ko.
PUTANG INANG KATORPEHAN TO!
Bakit ba kasi ginawan pa ng kanta ng Eraserheads to (TORPEDO). Di naman nakakatulong sa mga taong umiibig tulad ko. Yuck! Ang sabaw na ng utak ko, sobrang ka-cornyhan na lang ang lumalabas sa isip ko. Puta! But I'm still hoping na one day, at the right time and place with the right person, magagawa ko ring sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Alam kong actions speak louder than words. Pero I want assurance lang na kung talagang alam niyang mahal ko siya. Masama bang hilingin un?
07-18-2011
No comments:
Post a Comment