Thursday, July 14, 2011

A Big Day for me Tomorrow!

Bukas, isang malaking desisyon ang gagawin ko sa buhay ko. Sobrang tagal kong pinag-isipan at pinag-ipunan. Pinag-ipunan ko ng lakas ng loob at tapang ng hiya. Knowing me, I really don't do this thing. Pero anong mangyayari kung di ko to gagawin? Wala namang ibang way na alam kong mas makakabuti sa nararamdaman ko. Ito lang, itong pigil-hiningang gagawin ko. Wala rin akong alam na ibang reason na makakasama sa akin o sa amin ito, dahil ang totoo, ito ang tama. Para matapos na ang lahat ng paghihirap ko, at paghihinala niya, aamin na ako. Eh anong magagawa ko, un talaga ang totoo.


TIME? I think naman na ang oras ay sobrang sapat na para gawin ko to at sabihin kung ano ang nararamdaman ko. I know, I sound jologs, pero what can I do? Un talaga ang totoo eh. I waited so long and I think 3 years are already enough. Imagine, for 3 years, I didn't do anything. Isa akong tanga dahil sinayang ko lang ang panahon na un. Pero this time, I won't waste any single of it. Pucha, maikli lang ang buhay no. I never know, baka bukas patay na ako. Tapos di ko man masasabi sa kanya kung ano ang totoong feelings ko for her. Actually alam naman niya eh, it's just so happen na malabo. Malabo ang alam lang niya na may gusto ako sa kanya, malabo na kung siya lang ba talaga at malabo na totoo bang mahal ko siya. 


HOW? I don't have any plans on how I'm gonna say it to her. Wala ng plano plano! Kung ano masabi ko, un na. Bahala na kung ano ang mangyari. Magmumukang hindi ako sincere kapag praktisado eh. Tsaka di naman talaga pinagpa-practice ang mga ganitong bagay. It's spontaneous at kailangan natural lang. Ma-reject man ako o hindi, at least I take the risk. At least nasabi ko sa kanya na mahal ko siya. Pero sa totoo lang, mali ang reason na may at least eh. Mas tama siguro na hindi ko papayagang mawala siya ng paulit-ulit sa akin. Yung parang talagang ipaglalaban ko ung nararamdaman ko sa kanya. Kasi ganon naman talaga ang nananalo diba? Hindi tumitigil. Kaya kung meron man siguro akong plano ngayon, un ay ang hindi tumigil na mahalin siya. Dahil ganun ang true love! Patibayan kami kung sino ang bumigay, siya ang talo. Kung bumigay siya, well akin siya! :">


GOOD LUCK! Oh men. This is it. Magkikita kami bukas 3PM! I don't know how to start the conversation pero basta! Bahala na kung ano ang mangyayari. I'm just so confident na masasabi ko na this time, personally and OFFICIALLY, kung ano talaga ang totoo. Na I love her! :">


07-14-2011

No comments:

Post a Comment