Sunday, February 26, 2012

You Jump, I Jump.

Well, it's my very first time to watch this movie in full. Napanood ko na to dati pero some part pa lang, hindi buong-buo. Hindi naman ako fan ng mga love stories like this pero this one, sobrang tama sakin. Iba ung tirada eh. 

I usually don't blog movies about my personal reviews coz I'm not that good in criticizing films (I'm not a film expert) but this one, sa sobrang lakas nung impact niya sakin napaisip akong mag-blog ng personal review ko dito. So I think this is it, this is the ultimate love story at all times. 

Ung pakiramdam kasi na kahit na anong tigas ng puso mo, when really you watched this, sigaradong lalambot at lalambot to. Hindi ko alam. Or maybe I'm just speaking exaggeratedly but because I do believe that "Love conquers all", I was really caught by this epic movie. 

Hindi ko inexpect na 3 hours straight ang movie na to. Akala ko the usual movie lang, ung tipong matagal na ung 2 hours. Pero hindi, 3 hours pala ang tagal. Pero sa tagal ng movie na un, ni isang scene dun walang boring. I mean walang patapon na oras. Talagang bawal kumurap. Ganon siya kaganda. Lahat ng scenes talagang perfect, talagang pinag-isipan. Kaya walang duda na longest top grossing movie to! Grabe. So intense. 

Actually, wala talaga akong plan panoorin to. Sobrang biglaan lang kasi nakita ko siyang naka-save sa videos ng laptop ko then un sabi ko why not panoorin ko. Wala naman ako ginagawa and gagawin. So might as well manood na lang ako ng movie. Sunday kasi today kaya no class and no money already to watch movie sa movie house. Ayun! Sa dorm ang bagsak ko. And isa pang reason kung bakit di ko pa napapanood itong movie sa laptop ko, kasi ipapalabas ulit siya sa April 16 I think, di ako masyado sure, kaya balak ko panoorin siya in 3D. Para mas feel mo ung action diba?

Then after watching the movie, sobrang gutom na gutom na ako dahil past lunch na un at hindi pa ako nagbbreakfast and lunch. Pero okay lang coz I'm really satisfied. Tipong nabusog na ako sa movie di na kelangan kumain ung tipong ganon.

At ung sobrang tumatak talagang scene sa akin is ung nakasakay na si Rose sa boat pababa ng ship para i-save sila sa sinking Titanic, tapos si Jack naiwan sa ship dahil nga mga bata at babae lang ang mga mauunang ililigtas, tapos tong si Rose naman pa-bida, biglang tumalon pabalik ng ship para balikan si Jack. Tang ina niya! Sa gitna ng lahat lahat, hindi na niya iniisip ung safety niya kundi ung love niya para kay Jack gng mas pinili niya. Ung feeling na di niya kayang mabuhay nang hindi kasama si Jack at mas gugustuhin pa niyang mamatay na lang sila na magkasama kesa mabuhay nang magkahiwalay. Puta! Grabeng pagmamahal naman un. 

Sana nga talaga may true story na ganito. At kung meron man, bow po ako sa inyo. Dahil ako, di ko pa nae-experience ang may magmahal nang sobra. Kung may nagmahal man, di siguro ung katulad nila Rose and Jack. Na when you jump, I jump. Tang inang true love yan. Bakit ka ganyan. Ayaw mong magpakita sakin. Magpaparamdam ka nga tapos mawawala lang din. Paasa ka! 


Well actually, hindi naman ako nagmamadali sa true love na yan. Dahil I believe na it will come at the right time, at the right place, and at the right person. I can wait. I can really wait. 




02-26-2012