Friday, May 27, 2011

It's nice to see you again Baguio

May 20-22, 2011 (Friday, Saturday & Sunday)


This is our second and maybe the last stop for Summer 2011. Of course, favorite place namin ang Baguio. And there's no way na mawawala ito sa list of places na pupuntahan namin every summer. 2-3 hours away lang naman ito from Nueva, kaya it's so practical puntahan, tapos very relaxing pa. Sobrang lamig, walang patawad ang lamig. Although di pa naman talagang tapos ang summer, nagpa-welcome na ng ulan ang Baguio sa amin last Friday. Siguro nga talagang patapos na ang summer. Too bad! Pero okay lang, favorite naman din namin ang cold weather eh. Isa kami sa mga kayang tiisin ang lamig ng Baguio. At ito ang patunay.





We arrived at around 12 noon, saktong-sakto lang para mag-lunch. Casa Vallejo, a hotel in Baguio na sobrang epic ang katandaan. See, since 1909 pa to and until now nakatayo pa rin. In spite of all the lindol and bagyo na dumating, ayun still standing and kicking pa rin. Pero ni-renovate na siya last year pa. And modernized na ang style nung hotel. At ang balita, kahit na nirenovate na siya, madami pa rin daw kababalaghan ang nagaganap sa hotel na ito. Haha! So funny. Mga matatanda nga naman talaga oh. 


Inside the hotel, there's a restaurant called Hill Station, and we had lunch there. We didn't checked-in in the hotel, but there resto is open for public. Ang ganda ng place, sosyal. The price of their food was a bit expensive. Good thing I'm with my family to pay for my bill. :)


Having a good time eating our lunch at Hill Station, Casa Vallejo. 


Of course, it will not be complete without my favorite part of the meal, desserts. We tried 3 different kinds of their best seller desserts. At walang kaduda-duda, masasarap nga sila. I forgot their names though, just look at the pictures. Sobrang heaven!


Okay, I remembered it. I ordered Death by Chocolate Cake. And trust me, it's really deadly. It's a moist brownie with dark chocolate filling inside and vanilla ice cream on top. The contrast between the freshly baked brownie, yeah it's still hot, and the vanilla ice cream, which is of course cold, was a perfect match! 


After having lunch. Oh diba? Ang taba namin ni Mama, halatang busog na busog na busog. Good start para sa mahaba-habang paglilibot. :)








Thank you Mommy Vener for letting us to stay in your house for 3 days. Ayun, sobrang spoiled kami kay Mommy. Breakfast, lunch, at dinner pinagluluto niya kami ng sobrang sasarap na food. Kulang na nga lang pati merienda and midnight snack ipag-handa niya kami. Sobrang thoughtful at caring ni Mommy V. Ginawa niya kaming apo lahat. 


50's DINER
92 Upper General Luna Road cor Brent Road, Baguio City


Wala kaming pinalampas na oras. After magpahinga ng sandali sa house nila Mommy Vener, nag-merienda kami agad sa 50's Diner. Sabi nila sobrang sarap daw ng burger and banana split dito eh. So hindi talaga namin pinalampas un. 


Their oh-so famous burger. Largest here in Baguio, ata? Sing-laki lang naman ng muka ko.


And there very own banana split. It's just like an ordinary one but it tastes better kasi nasa Baguio ka. Three scoops of ice cream, strawberry, vanilla and chocolate, banana of course, and a cherry and nuts topping it off. 



DAY TWO:


On our second day here at Baguio, we went to Camp John Hay. Masarap kasi mag-shopping sa Mile Hi Commissary, kasi mura. Tsaka syempre kumain na rin. We had breakfast already before leaving Mommy V's house, bawal kasi ang di kumain dun dahil nakaluto na agad pagkagising namin, nakakahiya naman. Wala akong picture ng mga niluto ni Mommy pero sobrang dami niyang hinanda samin. Imagine, 10 lang kaming magb-breakfast, pero pang-20 pagkain ang niluto niya. Breakfast lang parang hanggang pang-dinner na. Tapos ang sasarap pa. Pano ba namang hindi ako tataba diba? 


We decided to have our lunch at Original Mile Hi Diner.  Sobrang sulit ang bayad mo dito, medyo mahal pero ang serving pang-dalawang tao. Ang saraaaap!


Mama's order -  beef with broccoli. 


Mine is Chicken and Bacon Burritos. This is the best. Walang sinabi ang Taco Bell sa burritos nila. Lalo na ung salsa na kasama, tatlong masasarap. Talagang patabaan ang labanan dito. 


Ang mga binusog ng Mile Hi Diner.
(L-R) Tito Jomer, Tita Ogie, Jaja, Carlos, Mama, and Me.


Sobrang daming nagbebenta ng ganyang cap. Mga iba-iba pang designs. Gusto ko sana bumili kaso walang kasya sa malaki kong ulo at sa makapal kong buhok. #longhairedpains :(




After a very tiring day, nagparelaks-relaks lang kami sa Kaffe Klutch. I dunno where exactly it is pero napaka-cozy ng place. Sobrang relaxing because of the live band na kumakanta ng puro mellow dramatic songs. Tapos ang sarap din ng mga coffee nila. Mas mahal kesa sa ibang coffee shop pero sulit na rin dahil sa live band na non-stop kumakanta. 


Cheska and I went there mga 9PM at madami ng mga tao. Medyo puno na ung lugar kasi di masyado malaki ung place. Ayun, nagstay kami hanggang mga 11PM. Kwentuhan and kwentuhan ng mga drama sa buhay. Labasan ng mga sama ng loob. Ayun, sobrang namiss ko lang siya dahil bihira na kami magkausap ni Cheska eh. Dahil naging busy na sa scool, tapos magkalayo pa kami. Eh ako itong sobrang tamad magtext at makipagchat. Kaya un. Sobrang happy ako dahil nangyari ulit to, ang makipag-date sa kanya.





DAY THREE (LAST DAY):


Bitin na bitin talaga sa amin ang 3-day stay dito sa Baguio! Ang dami naming hindi napuntahan. Tulad ng Mines View, Burnham Park, Right Park, at mga places na pinupuntahan namin nung mga bata pa kami. Kung sa bagay, medyo naging modern na ang pag-iisip namin eh. Ayaw na namin magpunta sa mga Parks, di tulad ng dati. Ngayon puro mall, SM Baguio, Mile Hi Commissary ang madalas namin puntahan. Dapat sa amin, 1 whole week stay dito sa Baguio eh.


Dahil alam ko talagang nag-gain ako ng sobrang laking weight, nag-jogging ako nung umaga. Magandang training na din un para sa run ko sa May 28! Uphill ang route nun eh. Eh eto, bundok talaga. Uphill na uphill. I jog almost half an hour lang, medyo late na rin kasi ako nag-jogging eh. Pero na-solve naman ako. Sarap! After 10 minutes, bago ako pawisan. Grabe ang lamig. 







Second thing in the morning, after ko mag-jogging, we went to Ukay-Ukay again. Nice. Wala naman kasing paki-alamanan dun kung naligo ka na, or kung ano ang suot mo. Ayun, pagkagising na pagkagising nagpunta agad kami ng Ukay. Kami ang unang tao dun. Ang saya sa ukay-ukay. Literal na ang 500 pesos mo, mahaba na ang mararating! 




After makabili sa Ukay, kumain na muna kami. At nadaan kami sa Baguio Cathedral. This is our picture, me with Cheska, in front of the Cathedral. Di pa kami naliligo niyan (di naman masyadong halata diba?). Toothbrush lang. Tignan niyo naman ang suot ko, boxer shorts na may butas sa harapan pa yan.




Nice! Nahanap na rin namin ang Pizza Volante! And it's time to eat our brunch. 


The best Cathedral Window in Baguio. 


Pizza


Pasta Alfredo.


Mama's order, Porter House Steak.


It's Sunday today kaya umattend naman kami ng mass. This time, nakamaayos na bihis na kami. 


Last minute shopping at Porta Vaga Mall before saying 'Bye-bye Baguio'.




Last goodbye to Baguio's Pine trees. Until our next visit. I'll surely miss the weather and the very kind people of Baguio. Sa uulitin mga kabagis.


05-27-2011

No comments:

Post a Comment